Tuesday, April 11, 2017

THE 10 DAYS MISSION HAS STARTED

Panibagong panahon ang sumisibol.

Panibagong hamon
Panibagong pag-asa
Panibagong testimonya
Panibagong pagkilala

Panibagong mundo
Panibagong salita
Panibagong mukha
Panibagong saya

Sumipol ang hangin
Humalik ang langit
Humaplos ang alon
Pangalan mo'y binaggit

Ang lupa ay nagsalita na
Nagdiwang mga nilikha
Mga bulaklak ay sumayaw
Sa pag-ibig na umaapaw

Panibagong pagbangon
Panibagong pananaw
Panibagong paghinga
Panibagong pagsiksik,
liglig at pag-apaw

Panibagong buhay
Panibagong pangalan
Panibagong tahanan
Panibagong katayuan
sa mundong inaasam




No comments:

Post a Comment