Saturday, April 6, 2019

Alam mo yung feeling na, narealize mo ikaw talaga yung may problema kaya ikaw yung kailangan lumayo.

Pero iba si Lord...

Kilalang kilala ka nya. Alam nyang gagawin mo yan. At alam mo ba? Kahit pa di mo maramdaman, mahal na mahal na mahal ka Nya. Di Sha lalayo dahil sa nakaraan mo. Di Sha bibitiw kahit ganyan ka ngayon. At lalong lalo na, hindi Sha natatakot sa magiging bukas mo. Kahit pa ayaw mo sa sarili mo, galit ka sa sarili mo... Di Sha nagkamali sa pagpili sayo.

Hawak Nya ang mundo, kontrolado Nya ang lahat. Lagi Shang mag-aantay sa pagbabalik mo. At muli't muling Nyang asambitin ang mga katagang: Mahal Kita. Kahit ano pangsabihin ng mundo sayo, kahit ano pang sabihin mo sa sarili mo, at kahit lumayo ka...

MAHAL KITA.

No comments:

Post a Comment