Monday, December 10, 2018

Nakakapagod din pala maging matapang para sa iba. Yung di ka lumalaban kasi naniniwala ka pa. Masakit kapag naiisip mo yung kailangang pagdaanan, pero wala eh, mahal mo, so maspagtitibayin mo ang sarili mo. Bibitaw ka para magpahinga at babalik sa laban para tumulong na umahon sila. At isang minsan napaisip ako, paano naman ako Lord? Sagot Nya: Hawak kita, wag kang mag-aalala. Kung anong meron Ako, meron ka. Hindi pa ba Ako sapat? Samantalang ang mga kapatid mo, desperado pa sa Presensya ko. At sa pag-uwi nila, ipaparamdam ko ang walang hanggan, walang katumbas at walang kapalit na pag-ibig na inalay at ibinigay ko rin sa iyo.

And I'm like 😭😭😭

#praylikeneverbefore

No comments:

Post a Comment